Hello fellas! Welcome ulit sa aking site na “RonnELITE” medyo matagal-tagal din noong huli akong nagpublish. Ngayon po ang blog na ito ay tungkol sa dati kong mga kaklase noong ako ay Junior High School student pa. Marahil marami dito ang makakarelate lalong lalo na sa kakagrade – 11 pa lang.
Mahirap naman talagang magmove-on at mag-adjust, yan ang dalawang katangiang nakasanayan ko ng gawin dahil sa mga pagsubok. Sa mga katulad kong kakagrade – 11 lang, di ba ang lungkot isipin na hindi mo na kaklase ang mga kaklase mo noon, mga kaibigan mo, mga kaklase mong nakasama mo sa loob ng 4 na taon. Oo, apat na taon at dahil doon ay parang pamilya na kayo, yung turingan niyo bilang magkakaklase ay parang kapatid na. Sigurado naman akong maraming section na nagkakasundo at nagkaroon ng tinatawag na “UNITY”, isa ang batch namin sa ganyang klase ng section, napakasaya namin noon.

ICT Curriculum nga pala kami at dahil sa dami ng nag-exam noong bago ko maggrade – 7, ay nahati ang mga nakapasa sa dalawang section kami ang 7-masigasig at sila naman ang 7-mapitagan, kaya ang nangyari ay may laglagan mapupunta sa regular section ang mga di makakapasa ng grade-7 dahil sa grade-8 ay pagsasamahin na kami. Kaya ayon natanggal ang mga loko-loko kong tropa noong grade-7 at dahil nga grade-8 na kami, syempre panibago nanamang pakikisama dahil di pa namin kilala ang isat-isa. Maganda ang aming naging simula dahil kakaiba, may kaunting away at may inisan sadyang kakaiba sa lahat. Hindi naman nagtagal at naging magkakaclose kami sa isat-isa at doon na nga nabuo ang mga barkadahan mga ibat-ibang samahan ng tropa, andyan ang The Bhest, ang G5, ang Nope Gurls, UNO, PAS Sistah at iba pa.
Hindi ko maikakailang sila parin ang nais kong makasama hanggang ngayon, sana lang mga dati kong kaklase ay mabasa niyo ito, at sana’y kapiling ko pa kayo hanggang ngayon. Sino nga ba naman ang di mamimiss ang dati naming samahan eh sadyang kakaiba ang aming section at dahil kakaiba syempre kakaiba rin ang mga kaklase mo.
Yung napakabait naming Top 1

Siya nga pala si Jobelle ang kaklase naming may mabuting loob at deserve niya talaga ang rank 1 di lang sa tiyaga niya sa pag-aaral kundi dahil sa kabutihan niya, dahil nga sa kabaitan niya aalukin ka pa niyan ng sagot pag wala kang maisagot, yung tipong nagtatanong ka lang eh sagot na yung ibibigay sayo.
Yung kaklase mong sintu-sinto

Siya naman si Patrick ang kaklase naming sintu-sinto na nagagawa pang mambwisit at magpatawa pag nasa kalagitnaan na kami ng stress at pagod sa dami ng gawain.
Yung samahang Nope Gurlz

Basta di ko sure yung spelling isa rin to sa pinakasolid na samahan samin at hanggang ngayon ay close na close parin sila sa isat-sa, sila nga pala yung may history ng pag-aaway dahil sa cartolina haha!
Yung kaklase mong Dancer

Siya naman si Mylene ang pinakamagaling sumayaw sa amin, madalas siyang makuha sa laban pag dating sa sayawan, magaling din siyang magturo.
Yung samahang UNO

Sila ang UNO solid din to lahat naman kasi ng samahan sa amin ay solid, kaya nga pamilya na kami eh as a whole solid talaga kami, UNO means Underweight, Normal at Obese daw haha! Bagsik noh? Kayo na humusga kung alin sa kanila ang obese haha! Kabilang sa samahang ito sina Jobelle, Mika at Ken sila ang samahang pinakamalapit sa samahan namin.

Yung samahang G5 na nauwi sa G10 Family


Hayst nakakaiyak na, kasi naman dito ko kabilang sa barkadang to, nagsimula kami noong grade-8 at lima lang kaming lalaki noon kaya tinawag nila kaming Givmme 5 dahil uso pa nun ang Gimmie 5, sila po ang nagbansag sa amin di man ito pabor sa akin, pano nga tinatawag nila kong Nash, abay Nash Naagnash daw, haha! Isa rin kami sa pinakasolid na samahan at hanggang ngayon ay buo pa kami, miss na miss ko na talaga sila. Lumaki ang pamilya namin at nadagdagan pa ng lima, at kami nga ay naging G10 Family, kabilang samin ang…
Kaklase mong Athletic

Ayy ako pala yan! Sorry ah trip ko lang isama haha!
Yung kaklase mong tulisan

Siya naman si Rosheina ang kaklase naming tulisan at siya rin ang pinakaberat sa aming magkakaklase, pero napakabait niyan di yan marunong magtanim ng sama ng loob at siya nga pala ang pinakamatalik kong kaibigang babae.
Yung kaklase mong Pandak

Siya naman si Mike at pandak ang harot namin sa kanya dahil siya na nga pinakamatanda siya pa ang pinakamaliit. Masayang kasama ang taong to dahil sa kabugukan niya, talaga namang gagawa ng kalokohan para lang mapasaya kami.
Yung kaklase mong nagmahal ng lubusan

Siya naman si Lloyd ang kaklase naming nagmahal ng lubusan, malay ko ba naman sa taong to, binigay ang lahat manong binalanse man lang. Choco Martin at Arnold SchwarzeNEGRO ang bansag namin sa kanya dahil sa kanyang kutis haha! And by the way siya po yung sidekick ko sa basketball na talaga namang maaasahan lalo na sa dilim magugulat nalang yung kalaban namin bigla siya ma-iistealan lang bola ng wala namang umaagaw haha! Sorry tsong.
Yung kaklase mong ginawang bahay yung Computer Shop

Eto naman si Philip ang kaklase naming nagcucutting para lang magcomputer, at bukod pa don dahil kaclose niya yung server minsan dun narin siya nakikitulog. Pero kahit na ganun siya nauunwaan naman namin siya dahil baka kulang lang siya sa pangaral, broken family kasi.
Yung kaklase mong Heartrob

Siya naman si David ang heartrob sa klase na talaga namang makalaglag panty, pero sana lang nawala na yung pagiging mainitin ng ulo ng taong to, este ng alien na to.
Yung kaklase mong Papansin

Madalas makainisan dahil papansin daw, siya si Paulo ang kaklase naming naiikot ang buong room para lang mamwiset, pero iniintindi namin siya dahil kulang siya sa atensiyon ng magulang.
Yung kaklase mong Computer Wizard

Sa totoo lang di na dapat siya nag ICT dahil mas marami pa yata siyang alam kaysa sa teacher namin, siya si Aildreen ang kaklase naming Computer Wizard na talaga namang maraming alam. Isa sa nakakatawa niyang katangian ay pag sumagot siya ubod ng haba kala mong SONA.
Siyempre di mawawala ang…
Adviser niyong mataray

Siya naman si Ma’am Daycee ang mataray naming adviser, dahil sa taglay niyang kagandahan siya ang muse sa aming paaralan. Nakakatawa lang kasi pag entrance niya sa klase napakasungit pero pagkalipas ng mga ilang minuto makikipagbiruan na sayo, nakakatawa di ba? Pero isa siya sa mga naging paborito kong teacher dahil talaga namang nag-aaksaya siya ng oras para lang makinig sa mga problema mo sa buhay.
Pasensya na kayo kung di ko namention lahat, ang dami kasi natin 45, huwag kayong mag-alala dahil lahat naman kayo ay espesyal para sakin, lahat naman kayo ay mahal ko.
Nakakamiss lang talaga ang section namin, bakit kasi di nalang kayo ulit, may mga bagay talagang di na maaari kahit na gaano mo pang hilingin.
Madami kaming mga pinagdaanang pagsubok noon, may mga away bago kami nakagraduate pero naayos din naman, dahil ayaw naming masira ang samahan. Isa pa sa pinakamabigat na pagsubok ay ang research, haha! Sorry Ma’am Daycee, kasi naman maaasar ka kasi pag chineck ni Ma’am okay na daw pero pag pinass mo na yung hard copy may panibago nanamang mali hahaha! Nakakatuwa ang unity sa samahan namin, yung tipong pag nagkasundo kayo na wag pumasok abay magcucutting talaga kaming lahat, yung pag di pa nakakatapos yung isa sa assignment edi wala munang magpapass hintayan kami. Nakakatuwa kasi di mo na kailangang gumawa ng assignment sa bahay, kase pagpasok mo palang may makokopyahan ka na. Di mo narin kailangan magreview bago ang exam kasi samin ang sagot ng isa ay sagot ng lahat kaya nga halos lahat kami ay honor eh haha! May time pa ngang pinagtataguan namin yung teacher namin eh, sanay na sanay kami sa tagu-taguan, pinagkakandaduhan namin ng pinto yung iba.
Nakakatuwang pagbalik tanawan ang mga ala-ala namin. Marahil kung binabasa mo ito ay naiiyak ka na. Oh, mga dati kong kamag-aral miss na miss ko na kayo, sanay kapiling ko pa kayo hanggang ngayon. Maraming salamat sa inyo, maraming salamat at naging parte kayo ng buhay ko na mas humubog pa sa katauhan ko, mga kaibigang nasasandalan ko sa oras ng kalungkutan, pamilyang ginusto at kinailangan ko, salamat talaga sa inyo hinding-hindi ko kayo malilimutan. 10-Chrome I will always love you.
~Nagmamahal Uncle Nel
