Ang kapatid ang isa sa pinaka magandang pinagkaloob sa atin ng diyos at ng ating magulang. Mapalad ang mga katulad natin na mayroong kapatid, kapatid na kasama natin sa bawat problema o sa bawat pagsubok ng buhay, kasama sa pagtahak ng tamang landas, kapatid na kasama mong mangangarap tungong tagumpay, kapatid na gagabay sayo gaya ng paggabay ng iyong tatay, kapatid na susuportahan ka gaya ng pagsuporta ng iyong nanay, kapatid na tutulungan kang tumayo sa oras ng kabiguan, at higit sa lahat kapatid na magmamahal at uunawa sayo.

Parang hindi kumpleto ang pamilya kapag walang kapatid diba? Kaya nga ako ay nagpapasalamat at biniyayaan ako ng dalawang babaeng kapatid, nag-iisa lamang akong lalaki sa amin, at ako ay pang-gitna. Hindi ko maikakaila na hiniling kong magkaroon ng lalaking kapatid dahil nga sa kinababaliwan kong laro ang basketball nais ko sanang magkaroon ng kalaro, magkaroon ng tuturuan at magkaroon ng kasundo sa bawat oras, alam niyo naman na halos laging ang mga lalaki ang magkasundo at mga babae naman ang magkasundo. Sa magkakapatid hindi mawawala ang simpleng away, simpleng bangayan at harutan. Pero ang harutan kapag biro lamang at talagang harutan lang ay isa sa nakapagpapasaya sa isang pamilya. Yun nga lang nabanggit ko na nga na ang kapwa babae ang magkasundo madalas, kaya pag dating sa harutan lugi ako.

Laugh trip ng picture, parang di na bida ang saya kay Jollibee, haha!
Si ate Rebecca ang panganay sa aming magkakapatid yun nga lang madalas magpakamalan na bunso dahil sa aming tatlong magkakapatid siya lang ang hindi nabiyayaan ng katangkaran, siya nga pala ang madalas kong hindi makasundo sa amin, may pagkatamad kasi siya kaya naiinis ako bukod sa pala utos na eh bihira pang sumunod sa utos ni nanay kaya pinagmumulan ng hilian, isa pang ayaw ko sa kanya ay magaling lang siya pag may kailangan, pero mabait siya pag nasa bahay si tatay tinutulungan niya kami sa mga assignments hehe…


Di ba kasi ang pangit, parang di ugali ng panganay ang walang pake sa iba, noong panahon nga nila tatay yung panganay nila siya ang nagpaparte ng patas sa pagkain at talaga namang maituturing siyang ikalawang ina sa kanilang pamilya dahil sa mga pangaral niya, eh si ate kasi madimot may time nga na nagkulong pa yon sa kuwarto namin yun pala kakain lang, ayaw lang pala mahingian, HAHA! Pero kung may isang bagay man na ikanatutuwa ko tungkolsa ate ko yun ang pagiging masikap niya sa pag-aaral, grabe kasi naman ngayong taon wala siyang line of 8 pinakamababa na niya ang 93, hinahangaan ko talaga siya pagdating sa tiyaga niya sa pag-aaral, nakakatuwa diba kasi kaya ka nag-aaral di lang naman para sa sarili mo kundi para nadin sa magulang mo, kaya masasabi kong may pake naman ni ate pagdating sa kanyang magulang.
Si Roan naman ang bunso kong kapatid, oo babae siya, panglalaki lang ang pangalan niya dahil namali, siya ang pinakakasundo ko sa aming magkakapatid dahil wala akong choice, kung si ate ang pinakamadalas kong maka-away edi si Roan ang kasunod haha!

Trip ko kasi siyang bwisitin madalas ko siyang inaasar at nirereto sa mga hindi niya gusto gaya ng gumanap kay Samson si Taylor James, search niyo nalang ayaw niya dun eh baka kayo magustuhan niyo. Ang ayaw ko sa kanya ay madalas siyang magtanong ng mga walang kwenta at non-sense na bagay, at ang isa pa ay ang pagiging sipsip niya haha! Pero sabi nga nila ang bunso ang nagpapasaya sa pamilya, at yoon naman ang nagustuhan ko sa kanya ang pagiging magiliw niya sa mga tao, madalas siyang katuwaan ng tao dahil nga sa pagiging magiliw niya, siya din ay madalas na nagiging paborito ng ilan naming lolo, lola, tito at tita.
Oo nga’t tamad silang dalawa at hanggang ngayon ay di sila marunong magluto ako pang lalaki ang tagaluto sa amin, minsang tagalaba pero pagdating sa pag-uurong ay may schedule naman kami diyan, Gaano man kahirap makisama sa kanila, tinuturing ko parin silang biyaya, dahil alam kong isa sila sa kumukumpleto ng araw ko at nagpapasaya sa akin.
Turo sa akin ni tatay na ako ang lalaki sa amin kaya’t ako daw ang magtatanggol sa aking mga kapatid na babae. Sabihin mo mang inaaway at inaasar ko sila pero subukan mong kantiin sila ako ang makakaharap mo!
