Maraming klase ang mga guro mayroon talagang mga guro na masisipag at matitiyagang magturo, mayroon namang mga tamad, mayroon ding kurakot na mahilig magpabayad at maningil sa mga estudyante, mayroong joker na mahilig magpatawa at makihalubilo sa kanyang mga estudyante, mayroon namang mahilig makinig sa mga problema ng estudyante upang magbigay ng aral at inspirasyon, mayroong may pakialam talaga sa mga mag-aaral na ang iniisip ay ang kalagayan ng mga mag-aaral, mayroong mga sipsip sa nakatataas at mayroon namang mas ninanais ang magturo nalang mas maligaya sila sa pagtuturo kaysa sa pagtaas sa posisyon.
Ngayon ang blog na ito ay tungkol sa dati kong adviser noong ako ay junior high school student pa, isa siya sa klase ng guro na masipag at matiyagang magturo at isa rin siya sa klase ng guro na nakikinig sa mga problema ng estudyante kaya naman isa din siya sa mga gurong naging paborito ko. Siya ay aking naging guro sa loob ng 3 taon, Grade 8, 9, at 10 oh! diba sa 3 taon ba’t nga naman di ka magsawa sa pagmumukha niya hehe! Joke lang Ma’am. Nag-iisa lamang kasi siyang ICT teacher noon at dahil ICT student ako natural lang na maging guro ko siya.
Siya ay si Ms. Rhodesia O. San Antonio mas gusto niyang tinatawag siya sa nickname niyang Daycee, oo, miss parin siya hanggang ngayon, pano ba naman kasi yung mga nanliligaw hindi yata tumutuloy, tapos yung dati niyang boyfriend na isa ring guro, wala na sila ngayon, hayys… Okay lang yan Ma’am wala ka mang love life nandito naman kaming mga estudyante mong nagmamahal sayo, yieeeh!
So ayon, grade 8 hindi pa kami gaanong close medyo naiinis pa nga ako sa kanya noon dahil may kasungitan siya at talaga namang strikto. Dahil noong isang araw di ako nakapagsubmit ng notebook dahil absent yata ako nun pero may excuse letter ako kaya okay lang daw ipass ko nalang daw pag pasok ko, pero pagpasok ko nung pinapass ko na yung notebook ko ayaw namang tanggapin, hay nako! Labo noh? Ayon lang naman yung kinainis ko medyo Malabo talaga kausap si Ma’am haha!
Pero noong dumating yung time na naging close na kami, ayun para na kaming magkumare haha! Kabiruan ko na siya noon, minsan nga lang kapag bad mood siya at di ko alam, kaya nabibiro ko parin kaya ayun yari ako. Dumating din yung time na maraming naging problema, mga problema ko sa barkada ko o sa tropa ko, nasasabi ko sa kanya yun tas nakikinig naman siya, naging sumbungan at takbuhan ko din siya noon dahil alam kong makikinig siya sa mga sasabihin ko, dahil nung time nayun ang kailangan ko ay taong mapagkukwentohan ko, makapagoopen ako ng mga problema ko at masasabihan ko ng mga bagay na gusto kong sabihin na di ko masabi sa iba, siya ang taong nakita ko na malalapitan ko. Talaga namang makikinig yan sayo gaya ng pakikinig niya sakin… take note: nakakapit pa sa braso ko.
Noong grade 10 last year ko sa junior high, siya ang naging adviser namin, noong 2nd grading namali ata si Ma’am ng compute sa marka ko dahil sa halip na 95 ay naging 85 nalang kaya ayun malaki ang naging epekto sa average ko. Dapat ang taas pala ng General Average ko nun di lang 93 point something. Sinubukan kong ayusin yung marka nayun at nagtanong ako kay Ma’am kung may kulang ako, sabi niya wala naman daw, mapapansin mong hindi siya nakikinig sayo at tuloy lang siya sa ginagawa niya, wala siyang pake dahil nga sa talaga namang busy siya. Mula noon di ko na pinansin yung marka nayun at hinayaan ko nalang, isa ako sa mga naghahatid sa faculty ng mga notebook, assignment, project namin sa kanya, pansin na pansin ko nun ang nag-uumapaw na mga notebook naming, 3 kasi ang subject namin kay Ma’am nun at lahat ay Major, kaya naman di ka na magtataka kung bakit siya busy at kung bakit namamali siya ng compute sa marka, sa totoo lang naawa ako kay Ma’am noon isa sa dahilan kung bakit hinayaan ko nalang yung mali niyang compute sa marka ko, kasi nga naawa ako dahil ang dami na nga namin tas 3 pa yung subject namin sa kanya kaya naman nahihirapan ang kalaban. Isa pa sa dahilan ay marka lang naman yun wala akong pake dun dahil hindi naman yun ang huhusga para sa future ko nais ko lang naman na maging proud sakin ang parents ko kaya gusto ko ng mataas na marka. Nakakatawa nga ang mga kaklase kong mahilig makipagkumpitensiya, eh marka lang naman yun, para sa akin lamang parin ang madiskarte sa buhay kaysa sa matalino lang sa ballpen at papel, bagay na natutunan ko mula sa aking magulang.
